"I am an instrument in the shape
of a WOMAN trying to translate pulsations
into images
for the relief of the body
and the reconstruction of the mind."


Planetarium
written by Adrienne Cecile Rich




Tuesday, February 27, 2007

kisap-mata?

naisip kong ilagay ito rito 'pagkat wala na rin lang naman akong paglagyang iba nito. nagpapaka-emo lang naman ako.

milagro, no, nagsulat ako sa Filipino, bagay na pinilit kong huwag gawin. ititigil ko lang pansamantala ang pagbalat-kayo; mas masarap magsulat ngayon sa wikang nakasanayan.

malalim ako ngayon sa tagalog: malalim rin naman ang isusulat ko. itutugma ko na.

mahirap maghintay nang hindi nalalaman kung darating ba ang hinihintay. malapit na sa isang buwan akong naghintay, ngunit walang pasabi-sabi ay nawala siya. tiniis niya ako, isang bagay na hindi niya kayang gawin noong kami pa. tiniis ko rin siya, dahil hindi ko alam ang susunod na dapat gawin. sino ba ako sa kanya, saan ba ako sa buhay niya, mga bagay na hindi ko masagot. naghintay ako ng sagot na hindi naman dumating.

nagkamali akong isipin na siya na ang aking panghabang-buhay. ang jologs isipin, no? magtatatlong taon na sana kami ngayong ika-5 ng marso, pero ang tadhana hindi kami pinaabot doon. tama lang siguro, 'pagkat kung magtatagal pa kami ay mas lalo pa naming masasaktan ang isa't isa.

minahal ko siya; iniyakan ko nang palagian. tinanong ako, kung babalikan ba niya ako ngayon tatanggapin ko pa rin ba. nagkaroon kami ng aming panahon, at sa paglipas ay nagbago kami. nagbago siya sa paraang hindi ko matanggap, kaya kahit naman kami pa rin ngayon ay hindi ko siya matatanggap sa mga bagay na pinagbago niya. hindi ko siya kayang kundisyonan na mamahalin ko siya ngunit lalagyan ko siya ng limitasyon, ngunit ayaw ko rin naman na masaktan dahil sa kanyang pagbabago.

iba na ang buhay niya. iba na ang pinag-iinugan ng mundo niya. iba na ang kanyang mga pananaw. maaaring hindi nagbago ang kanyang pagmamahal at hindi naman nagbago ang akin, pero hindi kami maaaring magpatuloy nang hindi namin tanggap ang isa't isa.

kaya nga, sana magkapatawaran na lang kami. hindi rin naman kami uusad kung kami pa ngayon. sana mapatawad niya ang mga pagkukulang ko at ang mga pagkakamali ko sa kanya; ang hangad ko lang naman ay ang kanyang kaligayahan at kabutihan. akala ko alam ko kung ano ang nararapat--hindi pala.

ngayon, tanggap ko na hindi na kami. naluluha pa rin ako paminsan at napapa-buntong hininga sa mga pangyayari. tinatawanan ako ng mga kaibigan ko. ano ka ba mariel, marami pang iba diyan, ang lagi kong naririnig na payo.

ang pinakamasakit ngayon ay ang kanyang pagwawalang-bahala sa mga pangyayari. pagkatapos ng mahabang samahan ang tila nagkalimutan na. mahirap isipin na noong makalawang buwan lang ay isa akong mahalagang bahagi ng buhay niya. ngayon ay parang isa na lamang siyang taong nakatabi ko sa mrt--hindi ko kilala, hindi ko alam kung saan ang susunod niyang pupuntahan, walang pakialamanan basta't hindi namin natatapakan ang mga paa ng isa't isa.

para sa akin ngayon ay patay na ang dating mahal ko. marahas na sabihin. may minahal akong tao na nawala sa piling ko nang walang pasabi, hindi man lang ako nakapaghanda. hindi ko na siya maibabalik.

hindi ko siya mapapalitan. maraming bagay ang hahanapin ko at maaalala ko tungkol sa kanya. marami rin naman akong natutunan sa aming samahan. hindi ako nagkamali na minahal ko siya, ang mali ko lang ay ang mga akala.

sa ngayon, oo nga, marami pa naman diyan. maraming mag-uukol sa akin ng pansin. marami rin akong pag-uukulan ng pansin. hindi pa ako handa sa isang bagong pag-ibig. kailangan munang yakapin ko nang lubos ang mga pangyayari at mga leksyon nito. hindi ko pa kayang sumabak muli. baka ako ay masaktan lang kung hindi ako magiging maingat--o ang mas masama ay ang makasakit ako ulit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home





!SANIPRIYA

I AM
Saturn's precious star
culture-bound
the elder sister
a squirrel under the oak
never early
Venus' healing herb
la luna de la noche
a girl of wishes
pride inside
pretending to be smart
nicely tucked in
a lady not poised
the talahiranya



Name:
Location: San Juan, Philippines

Notes and scribbles of a wayward child

my friendster account
my multiply account



!DIRTY MUSINGS